Wednesday, October 14, 2009

ala-ala ng kahapon (mga ala-ala ng kaibigang minsan kong inibig)

alaala ng kahapon
by: geronimo martinez

PAUNANG TULA

sumisikat pa ba ang araw sa nakasimangot na labi?

nagtago ang musmos sa anino ng limot at poot

larawan ng dalawang magkaibigan iniharap sa pader

naiwang nag-iisa ang litrato ng batang nagpapakatanda

may mukha na tila dinala ang sakit ng mundo

hinawi ng panahon ang puso ng katipan

sa pagsasaisip ng tama at maling pagsasama

walang anu-ano't pinigilang sikatan ng araw ang bulaklak

ang ulo'y tila nakabitay sa sariling tangkay

nawalan ng dating kulay at pagmamalaki


-------------------------------------------------------
COLOGNE

ang pabangong ito'y may sentimental na halaga sa akin. ito ang kauna-unahang

pabango na aking natanggap, at ito'y isang regalo mula sa isang kaibigan.

nagyari't sa panahon ding iyon nagsimula tayo magsama nang madalas, ginagawa

ang mga napakasayang bagay. sa mga pagkakataong iyon, lagi ko ginagamit ang

pabangong iyon tuwing ika'y kasama ko. at sa kalauna'y naiugnay ko sa iyo ang

mahalimuyak na amoy nito. matapos ang ating pagwalay sa piling ng isa't -isa,

hindi ko na muli ginamit ang pabangong iyon. ni minsan ay di ko na muling

ninais maamoy ang kanyang bango, sapagkat ipinaalala lamang nito ang ating

masayang pagsasama na hindi na muli mangyayari.

unique pa naman ng pagkabasa ko sa brand niya..."eww the toilet"

---------------------------------------------------------------------------
EMO PUNK ROCK LOVE SONG


kung tutuusin, ayaw ko ng mga kantang tulad nito. maingay ang tingin ko sa mga

kantang ganito. kung gagamitan ng isip, ang babaw ng mga salita, walang

matalinong paghinuhang magagawa sa kanyang ma berso. hindi ko alam kung paano

ko pa nakilala ang napakababaw na kantang ito. kung di mo lang siguro ito

ipinamahal sa akin, kung di lang sana ako napamahal sa iyo, hindi sana...

nang panahon na iyong magsingtalik tayo ng dalawang magkasi, wala akong

masyadong kagustuhan sa napapanahong tugtugin. ipinakilala mo sa akin ang

kantang iyon, dahil ikinagigiliw mo ito. siguro nga'y iyon ang nauuso sa mga

batang tulad mo. nakakaaliw siyang pakinggan, ngunit mas naaaliw akong tignan

kang ngumiti nang malaki tuwing ito'y naririnig mo, kahit na nga ba'y tunkol sa

sawing pag-ibig na sinabayan ng electric guitars ang kanta.napamahal ako sa

kantang iyon dahil ika'y aking naalala tuwing ipinatutugtog ko ito. kahit

hanggang ngayon, kung saan halos estranghero na ang tingin natin sa isa't isa,

ipinapatugtog ko pa rin ang mababaw na emo na kantang iyon. at lagi akong

napapakunat ng noo at napapapikit ng mata sa pagdinig nito. sa mababaw na mga

bersong taglay nito, naririnig ko ang kwento ng aking sawing pag-ibig sa iyo.

nakakaawa na talaga ang isang tao kapag lahat na ng love song na kanyang

naririnig ay kaya na niyang i-relate sa kanyang sariling sawing pag-ibig.

basta ang sakin, theme song parin natin kahit kailan ay...."this guy's in love

with you pare!..."

No comments: