walang mamamagitan sa akin at ang aking oras para sa aking
pansariling kagustuhan. oo nga't hindi ito gawain ng pulidong
mag-aaral, ngunit ito ang aking prinspiyo sa pagtatrabaho.
kailanma'y hindi ako magiging alipin ng aking trabaho.
tawagin mo akong tamad, oo. walang pagsisikap, sige rin. alam
kong mayroong mga magagaling na tao, na payag masakrepisyo ang
kanilang mga sarili sa ngalan ng kanilang tungkulin, at dahil
doon sila'y dakila. kinikilala ko sila. ngunit kailanma'y
hindi ako matutulad sa kanila.
maaari nga't pagmamatigas lang ito ng aking pagmamalaki sa
sarili; isang nakasisirang paraan ng pagmamayabang... ngunit, sa
alam ko'y maganda pa rin ang pamumuhay ko ngayon sa kabila ng
aking pagbibigay ng higit na pansin sa aking pansariling oras.
at ako'y kuntento pa rin.
kung tutuusin, kung hindi ko ginagawa ang ganito, marahil
napaka-iba ng aking katauhan sa iyong nakikita ngayon.
ihalintulad mo na lang ang aking prinsipyo sa isang magiting
na sundalo. oo nga't siyay magaling. lahat ng oras niya'y
iginugugol sa pakikidigma at pakikipaglaban. at siya nga'y
nananalo sa napakaraming guerra. ngunit para saan ang lahat ng
ito kung sa kanyang pag-alay ng sarili sa pakikidigma ay
nalimutan na niya ang kanyang tunay na ipinaglalaban? paano pa
kaya kung ang sundalong ito'y nagpahirap ng mga inosenteng
kababayan ng kaaway, para lang sila'y takutin...? ganoon ang
aking paniniwala.
kailanma'y, huwag mong kalimutan ang iyong sarili.
i try to keep telling myself this whenever i feel insecure at the vastly superior efforts everyone else puts in their studies. for as long as i can keep lying to myself...i can be sure i've done no wrong to my pride...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment