ito ang isa sa aking mga pilosopiya sa buhay...
upang maging ganap na tao, bukas ka dapat sa lahat ng emosyon...
kailangan bukas ka sa kasiyahan, kalungkutan, sa tuwa, sa sakit, sa tawa, sa luha...
pano kung laging luha, sakit, kalungkutan, poot, galit, pagsisisi at pagdurusa ang nararamdaman mo?
sabi nila, emo daw yun.
eh ang emo diba emotional in short?
sila'y mga taong nagpapadala lang sa alon ng kanilang emosyon
kung tutuusin, ang ginagawa nila ay alinsunod sa aking prinsipyo ng pagiging ganap na tao
eh di, bakit napakarami sa atin (kabilang na ako diyan...) ang ikinamumuhi sila? kung sila'y nagpapakatao lamang?
siguro kasi...sila hindi sila takot magpakita ng emosyon...tayo ang takot...kaya natin sila inilalabas sa lipunan...kasi hindi sila gumagaya satin na takot. malay mo, lahat pala ng nangaasar sa mga emo ay emo rin pala sa likod ng mga saradong pintuan.
pero di ko rin sinasabi na tama ang mga gawain ng mga sinasabing emo...
may kulang kasi sa ginagawa nila.
sa pagtanggap nila sa mga emosyon ng galit, sakit, lungkot at kung ano pa man, na tunay nga namang kagimbal-gimbal...nalimutan na nilang tanggapin ang mga emosyon ng kasiyahan, kagalakan at yung mga ganoong bagay...
sa kahit anong hirap ng sitwasyon...dapat hindi natin limutin kung pano sumaya...kasi kung malilimutan natin yun...wala na tayong pag-asang bumangon pa sa ating kinalalagyan.
kung puro hirap lang ang iniisip mo...hindi parin kumpleto ang karanasan mo sa buhay...kasi ang pagiging buhay ay pinagsamang gawa ng masaya at malungkot na mga pangyayari.
lagi mo dapat isipin kung ano ang magpapasaya sa iyo. para di ka nang tawaging emo...=))
at, sa katotohanan...ang buong post na ito ay parang ginawa ko lang para sa aking sarili...na parang mas sinasabi ko ito sa aking emo na katauhan ngayun, kaysa mga makakabasa nito =p
it's like i'm trying to say these things to myself....
ay wait....diba ang mga kumakausap sa sarili...
....nasisiraan ng bait??? XD
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment