Wednesday, December 3, 2008

ANG AKING DAHILAN SA PAGPUPUYAT

insomniac nga ako.

habang gising pa ako...iaalay ko ang aking pagpupuyat sa mga sumusunod:

1. sa Diyos, na may awa pang buhayin ako sa susunod na araw

2. sa mga gumawa ng Dose, lalo na yung director at yung gumanap bilang baklang batang lalaki, si Fritz Chavez. matapang ka 'tol!

3. sa mga gagong holdapper sa bus na nasa likod ko lang pala kaninang pauwi

4. sa mga nagbebenta ng tickets sa pelikula na may tiyaga pang tanungin kung 18 yrs old ka na ba talaga.

5. sa mga assignment na dapat ay tunay na rason kung bakit ako puyat pero sa school ko rin ginagawa

6. sa mga classmate na akala ay lagi akong busy kaya puyat, pero hindi nila alam ang tunay na rason

7. sa hindi mabilang na mga gabi kung saan dapat ay maaga ako nakatulog pero napuyat ng husto dahil sa porn at psp (na tunay na rason din kung bakit ako lagi puyat)

8. sa aking katawan na kahit inaabuso ko ay tumatakbo parin

9. sa ps3 na hindi ko na makukuha dahil gastador ako

10. sa aking mga kaibigan na natitiis pa ako

11. sa mga bus na weirdo yung upuan kung saan tinutulak yung ulo mo para di ka makasandal at makatulog

12. sa lahat ng walang magawa na binasa ang mga blog ko dahil baka na-curious sila sa title.

BOW. TAPOS NA PO. GOODMORNYT =))

No comments: