paano ba ako hihingi ng kapatawaran?
tignan niyo, nagkasala ako, aking mga magulang
binastos ko kayo ng harap-harapan,
ako'y nagkasala lingid sa inyong kaalaman
mahirap nga ang aking ginawa
nagbuhos ako ng aking damdamin
ngunit sa gitna ng tunay ay may kasinungalingan
pinaglaruan ko ang inyong isipan
sa bawat katotohanan na aking sinabi
ito'y panakip butas sa tunay kong nais
pampadali sa kunwaring pagsalaysay
samu't-saring kwento na sa tunay ay taliwas
sa mukha ninyo aking pinalabas
isang napakalaking kasinungalingan
habang tinatakpan ng totoong salita
patawad! patawad! sa aking ginawa!
hindi niyo man namalayan itong pagtaksil
bigat ng loob sa aki'y pumipigil
kagagawan ko rin naman ang dahilan
para ako'y gumawa ng kasinungalingan
anong klaseng anak ba ako para ito'y matiis?
pinapaikot ang isip ng kanyang mga magulang!
sumpain man ako ng Diyos mismo!
mapapatawad niyo ba ako sa aking nagawa?!
hindi ko sinusubukang magtula
ayaw ko lang ng diretsong salita
ito'y simpleng liham sa aking mga magulang
liham na kailan man, di nila masisilayan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment