Mayroon isang cruise liner na tinamaan ng isang malakas na alon at bumunggo sa isang ice berg. lulubog na yung barko. lahat ng tao ay tumakbo sa mga life boat at lumikas, ngunit lahat ng mga ito ay lumubog rin. mayroon na lang isang lifeboat natira na may lugar para sa sampung pasahero. ang problema ay may labin tatlong pasahero ang sumakay dito.
may kailangang tatlo ang tumalon upang hindi lumubog ang life boat
Sabi ng Kastilang kasama nila "Viva espanya!" at sabay tumalon sa barko.
Nagsakripisyo siya ng kanyang buhay para sa kanila, ngunit may dalawa pang kailangan mag sakripisyo.
Bigla namang tumayo ang Amerikanong kasama nila at sinabing, "Long live America!!" at sabay tumalon sa tubig.
May isa pang kailangan tumalon para sila'y maligtas.
Bigla namang tumayo ang Pilipinong kasama nila at sinabing " Mabuhay ang Pilipinas!" at sabay tinulak sa tubig ang katabi niyang Hapon.
naligtas ang mga sakay ng lifeboat....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment