Friday, August 24, 2007

I just don't understand...could I be doing the wrong thing?

Numero de Papeles

Tunay na nakapagtataka tuwing umalingasaw sa paligid ang init ng lumalagablab na damdamin.

Diyos ko po! Ako’y nililigiran ng mga patay. Kamatayan sa buong kalupaan! Ngunit nakaratag pa sa lupa, hinihintay pa ang hukay, mayroon kaagad sa tabi nilang nagsisisayaw, pinagdiriwang ang buhay, paminsang natatapakan ang mga bangkay.

Marumi ang sahig. Mabigat ang hangin. Nagkalat ang papel. Ang buhay nga ba’y isang sinulid na gawa sa numero? Pitong nakamamatay, Siyam ng pagkabuhay. Bilang kaagad ang buhay, o di kaya’y sila lang ang nagbibilang ng kanilang buhay.

Siguro sila lang, hindi ko na maintindihan. Dahil siguro taga-ibang planeta ako. Aking sariling mundo, kung lusubin ng bagyo, nakakalbo ang puno, ngunit patay siya ay hindi, dahil sa tubig-ulan siya’y lalago muli.

Bakit sila’y naguumapaw sa tuwa o di kaya’y nalanta, samantalang ako’y natirang nagmumuni-muni? Sino ba ang tama, sino ang mali? Baka ako yung nagkamali, hindi ko alam, taga- ibang planeta kasi ako… hindi nabuo ang aking planeta sa pagbibilang ng kung anu-ano, ang aking planeta’y hindi magugunaw, dahil hindi ko ito binibilangan.

Hindi dikta ng numero ang aking buhay.

No comments: