isang gabi, mayroong bata na nagdasal kay God. sabi ng bata,
"God, pwede po ba kayong matanong?"
"sige ba anak ko" ang sabi ni God.
"magkano po ang ang isang milyong piso sa inyo?" ang tanong ng bata.
sagot ni God, " ah, parang isang piso lang iyan sa akin"
"Eh, gaano katagal po sa inyo ang isang milyong taon?" muling tanong ng bata.
"parang isang minuto lang iyan sa akin" ang tugon ni God.
ang batang iyon ay may pagka bibbo, kaya naging ganito ang kanyang sumunod na tanong:
"Eh, God, pwede ba pong humingi ng sang piso mo?"
ganito naman ang sagot ni God: "sige ba, pero maghintay ka ng isang minuto..."
Friday, August 24, 2007
A little ice breaker, how about a joke eh?
I just don't understand...could I be doing the wrong thing?
Numero de Papeles
Tunay na nakapagtataka tuwing umalingasaw sa paligid ang init ng lumalagablab na damdamin.
Diyos ko po! Ako’y nililigiran ng mga patay. Kamatayan sa buong kalupaan! Ngunit nakaratag pa sa lupa, hinihintay pa ang hukay, mayroon kaagad sa tabi nilang nagsisisayaw, pinagdiriwang ang buhay, paminsang natatapakan ang mga bangkay.
Marumi ang sahig. Mabigat ang hangin. Nagkalat ang papel. Ang buhay nga ba’y isang sinulid na gawa sa numero? Pitong nakamamatay, Siyam ng pagkabuhay. Bilang kaagad ang buhay, o di kaya’y sila lang ang nagbibilang ng kanilang buhay.
Siguro sila lang, hindi ko na maintindihan. Dahil siguro taga-ibang planeta ako. Aking sariling mundo, kung lusubin ng bagyo, nakakalbo ang puno, ngunit patay siya ay hindi, dahil sa tubig-ulan siya’y lalago muli.
Bakit sila’y naguumapaw sa tuwa o di kaya’y nalanta, samantalang ako’y natirang nagmumuni-muni? Sino ba ang tama, sino ang
Hindi dikta ng numero ang aking buhay.